Linggo, Nobyembre 10, 2019

"Bakit nga ba pahirap ng pahirap ang mga Pilipinas?''

-Over population.
-Corruption.
-Nakagawian sa Kultura.
-Mababang Pasahod.
-Baon sa Utang.
-Mataas na mga interes.
-Hindi maganda ang implementasyon ng batas
-.Walang initiative na umasenso ang iba.
-Madaming mapansamantala at sakim.

          Ilan lamang 'yan sa mga rason kung bakit mas lalong humihirap ang mga mahihirap. Bukod pa doon isa sa pinakamalaking dahilan ay ang pag boto ng maling tauhan sa ating gobyerno. Dahil sa kahirapan nabibili ang boto ng mga tao at dahil dito nahahalal o nauupo sa matataas na pwesto ang mga corrupt at maling tao. Tax, isa din 'to sa mga lalong nag papahirap sa mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi umaasenso ang mga mamamayan at lalo namang nag tataas ang mga presyo ng mga bilihin. Isa ding kadahilanan ay ang pagiging mangmang o pagkukulang sa edukasyon. Kadalasan sa mga edukadong tao sa pilipinas ay nag hahangad ng mataas na posisyon sa gobyerno upang magpayaman o mangurakot sa pondo ng bayan.Ngunit ang pinaka kalaban ng mga mamamayang mahirap ay ang kanilang pag-iisip. Bakit? Dahil ang pag-iisip ng mga mahihirap dito ay hindi na sila aasenso kahit ano mang pagsisikap ang kanilang gawin, mali yon. Pero sa tingin ko ay dapat natin ayusin ang mga problemang nagpapahirap sa ating bansa. Kung ano man ang Pilipinas ngayon,'yun ay dahilan lamang sa Pilipino din mismo. (Credits:https://www.wattpad.com/43424312-mga-dahilan-kung-bakit-%E2%9C%8E-naghihirap-ang-pilipinas)